PCG, tiniyak na may mananagot sa pagtaob ng motorbanca sa Binangonan, Rizal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng pamunuan ng Philippine Coast Guard na may mananagot sa nangyaring pagtaob ng isang passenger boat sa bahagi ng Binangonan, Rizal na ikinasawi ng halos 30 katao.

Ayon kay Coast Guard Spokesperson, RAdm. Armand Balilo, inuuna lamang nila sa ngayon ang accounting sa mga nasagip na pasahero gayundin ang mga nakuhang labi mula sa tumaob na Motorbanca (MBCA) Princess Aya.

Partikular anilang titingnan sa mga ito ang posibleng pananagutan ng operator ng nasabing motorbanca maging ang kanilang mga tauhang naka-poste sa lugar.

Ipinaliwanag pa ni Balilo na batay sa manifestong isinumite ng operator ng motorbanca, 20 lamang ang sakay nito subalit lumabas na aabot sa 70 pasahero ang sakay nang mangyari ang insidente

Batay sa pinakahuling ulat ng Binangonan LGU, nasa 26 ang nasawi habang mahigit 40 ang nasagip sa isinagawang operasyon ng coast guard sa Lugar. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us