Dapat ipagbawal ang pagpapalabas sa Pilipinas ng pelikulang Barbie.
Ito ang pananaw ni Senador Francis Tolentino kasunod na rin ng naging desisyon ng Vietnam, na huwag ipalabas sa kanilang bansa ang naturang pelikula dahil sa isang eksena na nagpapakita ng ‘nine-dash line’ ng China.
Ayon kay Tolentino, responsibilidad ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB), na ipagbawal ang anumang palabas sa bansa na hindi kumikilala sa soberanya ng Pilipinas.
Sinabi ng senador, na ang nine-dash line na ipinakita sa pelikula ay salungat sa katotohanan at ipinawalang-bisa ang arbitral ruling noong 2016.
Sinabi naman ni Sen. Risa Hontiveros na ang pelikula ay fiction.
Dapat aniyang maglagay na lang ang ating mga sinehan ng explicit disclaimer, na ang nine-dash line ay isa lang bahagi ng imahinasyon ng China. | ulat ni Nimfa Asuncion