Person of interest sa pagpatay sa architectural student na si Eden Joyce Villacete, hinahanap na ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinahanap na ng PNP ang isang person of interest sa kaso ng pagpatay sa architecture student na si Eden Joy Villacete.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, isang lalaki ang nakita sa CCTV na naglalakad noong madaling araw ng Miyerkules malapit sa apartment ng biktima.

Hindi muna pinangalanan ni Fajardo ang person of interest hangga’t hindi nila ito natagpuan.

Sa ngayon, nag-alok na ng pabuya ang lokal na pamahalaan ng San Jose, Occidental Mindoro para sa makapagtuturo sa pumatay kay Villacete.

Umaasa naman si Fajardo na sa pamamagitan nito ay bibilis ang paghuli sa nasa likod ng krimen

Matatandaang natagpuang patay si Villacete sa loob ng inuupahang apartment noong Biyernes ng umaga na walang damit at may 6 na saksak sa iba’t ibang parte ng katawan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us