Siniguro ni Cavite 1st District Representative Jolo Revilla, na tinututukan din ng Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office ang petisyon para sa wage hike sa CALABARZON.
Kasunod ito ng pag-apruba ng National Capital Region (NCR) Wage Board sa P40 na umento sa arawang sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila.
Sa isang social media post, ibinahagi nito ang update mula sa Regional Director ng DOLE Region 4-A.
July 26 umano itinakda ang public hearing para sa hiling na taas-sahod sa rehiyon.
Noong Marso, 12 labor organizations ang naghain ng petisyon para itaas ang minimum wage sa CALABARZON sa P750.
Sa kasalukuyan, ang minimum wage sa Region 4-A ay nasa P350 hanggang P470 depende sa uri ng trabaho at kung ito ay nasa metropolitan area, component city o municipality. | ulat ni Kathleen Forbes