Muling kinondena ng Pilipinas at ng European Union ang nagpapatuloy na pagsalakay ng Russia sa Ukraine.
Sa Joint Statement na inilabas ng Pilipinas at EU, nagkasundo ang dalawa na kinakailangang makahanap ng mapayapang paraan sa mga kaguluhan habang nirerespeto ang international law at ang United Nations Charter.
Muli ring nanawagan ang Pilipinas at EU sa Russia na agad alisin ang kanilang mga pwersa at kagamitan sa mga teritoryo ng Ukraine.
Sinabi rin ng Pilipinas at ng regional bloc na kailangang igalang ang International Humanitarian Law kung saan dapat payagan ang ligtas at walang hadlang sa humanitarian access.
Nagkasundo rin ang dalawa na patuloy na magtulungan at manindigan para sa rules-based international order, soberanya, territorial integrity, at non-aggression. | ulat ni Gab Humilde Villegas