Pinakamalaking pagsasanay ng Phil. at US Marines, magsisimula bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal na ilulunsad bukas ang Marine Aviation Support Activity (MASA) 2023, ang pinakamalaking sabayang pagsasanay ng Philippine Marine Corps at U.S. Marines sa kasayasayan.

Ayon kay Phil. Marines spokesperson at MASA Public Affairs Officer Capt. Jarald Rea, ang ehersisyo ay lalahukan ng 1,257 Pilipinong sundalo, 115 reservist, at 1,444 Amerikanong sundalo.

Tampok dito ang sinking exercise (Sinkex) sa San Antonio, Zambales sa Hulyo 13, kung saan palulubugin ng mga sasakyang panghimpapawid ng dalawang pwersa ang isang de-commissioned na barko ng Philippine Navy, ang BRP Lake Caliraya.

Paliwanag ni Capt. Rea, ang sinkex ay pagsasanay para sa “coastal defense” kung saan ang palulubuging barko ang ituturing na “enemy vessel” na nagtatangkang mag-landing ng mga tropa sa teritoryo ng bansa.

Layon ng pagsasanay na tatagal hanggang sa Hulyo 21, na mahasa ang inter-operability ng dalawang pwersa sa mga pinagsanib na operasyon, para sa epektibong pagtugon sa mga “evolving security challenges.” | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us