Nakapagtala na ng inisyal na Php 3.520-billion ang pinsala sa pananim at irrigation infrastructures ang National Irrigation Administration dulot ng bagyong #EgayPH.
Hanggang ngayong araw, kabuuang 69,432 magsasaka ang apektado at 43,875.55 ektarya ng agricultural lands sa buong bansa ang napinsala.
Base sa Situational Report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 13 rehiyon, 47 lalawigan, 441 lungsod at munisipalidad ang tinamaan ng weather disturbances.
Ayon sa consolidated report ng NIA Operations Department, ang regions CAR, I, II, III, IV-A, IV-B, at Upper Pampanga River Integrated Irrigation Systems (UPRIIS) ang nag-ulat ng malaking pinsala ng bagyo.| ulat ni Rey Ferrer