100 percent ready na ang Philippine National Police para sa ikalawang State of the Nation Address ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa darating na Lunes.
Ito ang inihayag ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. matapos pangunahan ang send-off ngayong umaga sa mga tropang ide-deploy para sa pagpapatupad ng seguridad sa makasaysayang aktibidad.
Ayon sa PNP Chief, 22,000 pulis ang kanilang ide-deploy kasama na ang mga Civil Disturbance Management (CDM) unit kung sakaling maging marahas ang mga pagkilos ng mga magpoprotesta.
Pinaghandaan na aniya ng PNP ang ‘worst case scenario’, bagama’t base aniya sa karanasan ay naging pangkalahatang mapayapa ang sitwasyon sa mga nakalipas na SONA.
Nanawagan naman si Gen. Acorda sa mga lalahok sa mga pagtitipon na respetuhin ang mga pulis dahil rerespetuhin din ng mga pulis ang kanilang mga karapatan ng naayon sa batas at paiiralin ang maximum tolerance. | ulat ni Leo Sarne