Isasauli ng Philippine National Police (PNP) sa korte ang Writ of Habeas Corpus para sa dalawang nawawalang aktibista ngayong Martes, para iulat na wala sa kanilang kustodiya ang dalawa.
Sa isang statement, nilinaw ng PNP na wala sa listahan ng mga Persons Under Police Custody ang mga aktibistang si Dexter Capuyan at Gene Roz Jamil de Jesus, base sa sertipikasyon ng iba’t ibang Police unit.
Giit pa ng PNP, hindi nila inaresto ang dalawa, at sa katunayan ay ginawa pa nila ang lahat para hanapin ang dalawa matapos silang iniulat na nawawala.
Ayon pa sa PNP, hanggang sa ngayon ay nananatiling “missing persons” ang dalawa, na patuloy na hinahanap ng mga pulis sa pamamagitan ng pag-backtrack sa huling pagkakataon na nakita sila.
Nagpahayag naman ng kumpiyansa ang PNP na malilinawan ang korte sa posisyon ng PNP sa isyu. | ulat ni Leo Sarne