Makikiisa ang Philippine National Police sa panawagan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magtipid ng tubig para makaalpas ang bansa sa hamon na dulot ng El Niño.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na mahigpit nilang ipatutupad sa lahat ng kampo ng pulisya ang pagtitipid sa paggamit ng tubig at kuryente.
Ito’y kasunod ng atas sa lahat ng ahensya ng gobyerno na bawasan ng 10 porsyento ang kanilang gamit ng tubig.
Sa ngayon ay nagtutulungan ang lahat ng ahensya ng gobyerno para maibsan ang epekto ng matinding tuyot na ayon sa PAGASA ay posibleng tumagal hanggang sa unang bahagi ng susunod na taon. | ulat Leo Sarne