Progreso sa kaso ng pagpatay kay Gov. Degamo, maganda ang takbo – PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiyansa ang Philippine National Police (PNP) na makakamit ang “honest to goodness” na prosekusyon ng mga akusado at mastermind sa kaso ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Red Maranan, 36 na kaso na ang naisampa ng Task Force Degamo, na binubuo ng 10 kaso ng murder, 17 frustrated murder, at 9 na attempted murder.

Sinabi ni Maranan, na nagbigay ng kautusan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. sa PNP, na siguraduhing malakas ang ebidensya na ihaharap sa korte.

Ito ay matapos na bawiin ng 10 akusado sa aktual na pamamaril sa governor ang kanilang mga sinumpaang salaysay, na nagdidiin kay Negros Oriental Representative Arnulfo Teves Jr. bilang mastermind ng krimen.

Paliwanag ni Maranan, matibay parin ang kaso ng prosekusyon dahil sa mga nakalap na ebidensya ng PNP, kabilang ang pahayag mula sa iba pang testigo, mga narekober na armas, ballistics tests, at maging DNA samples. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us