Hiniling na ng Maynilad Water Services ang pagtutulungan ng publiko sa paggamit ng tubig.
Ngayong may banta ng El Niño, inaasahan pa na mababawasan ang mga pag-ulan na makakadagdag sana sa suplay ng tubig sa mga dam.
Ayon sa Maynilad, higit na kailangan ang kooperasyon ng publiko upang mapalawig pa ang suplay ng tubig.
Kahit umulan nang malakas sa ilang bahagi ng Metro Manila at bahagya lamang sa Angat at Ipo watersheds ay hindi ito lubos makatutulong na maitaas ang water level ng mga dam.
Base sa kanilang monitoring, nasa 181.95 meters ang water elevation ng Angat dam kaninang umaga.
Ito’y mula sa 182.25 meters kahapon na mataas ng bahagya sa minimum operating level na 180 meters.
Samantala, nasa 99 meters naman ang Ipo Dam mula 99.17 meters kahapon. May kababaan ng bahagya sa maintaining level na 101 meters. | ulat ni Rey Ferrer