Pulis ng Negros Occidental PNP na nanapak ng dalawang menor-de-edad sa Bacolod City, sinampahan na ng kaso

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinampahan na ng kaso si P/Staff Sergeant Harry Gonzaga, ang pulis na nanapak sa dalawang menor-de-edad sa Brgy. 30, Bacolod City.

Physical injuries in relation to violation of Republic Act 7610 ang isinampa ng Bacolod City Police Station 6 sa City Prosecutor’s Office laban sa suspek.

Ayon kay Bacolod City Police Office Director P/Col. Noel Aliño, isinampa ang kaso batay sa testimonya ng mga biktimang menor-de-edad at ng mga nakakita sa insidente.

Bukod pa rito may CCTV footage rin sa lugar kung saan makikita mismo ang pananakit ng suspek sa mga biktima.

Nag-ugat ang insidente matapos tamaan ng mga biktima ng bato ang sasakyan ng suspek. Nangalaiti ang suspek kung saan sinapak at tinuhod nito ang dalawang menor-de-edad.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng Negros Occidental Police Provincial Office ang pulis kung saan ito naassign. | ulat ni Paul Tarrosa| RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us