QCPD, may 10 persons of interest na sa kaso ng sexual assault sa isang UP student

Facebook
Twitter
LinkedIn

May sampung persons of interest na ang iniimbestigahan ng Quezon City Police District (QCPD) tangkang panggagahasa sa UP student sa loob ng campus noong sabado ng gabi.

Ayon kay QCPD District Director General Nicolas Torre III, bagamat walang CCTV sa lugar ng pinangyarihan ay nakakuha ang mga pulis ng footages sa limang mga CCTV na nasa labas ng campus.

Sa ipinakitang video, mula sa CP Garcia, makikitang pumapasok sa E.Jacinto street ang biktima dakong alas 10:39 ng gabi.

Ilang minuto ito bago maganap ang tangkang rape.

Nilinaw din ni General Torre na hindi nagahasa ang biktima, taliwas sa ilang report na nailabas online.

Nagkaroon aniya ng sugat sa tagiliran ang biktima dahil sa saksak at ilan ay dahil sa pakipagbuno sa suspek na humantong sa mabatong creek na walang tubig.

Dahil sa lumutang na persons of interest, tiwala ang QCPD na malulutas nila ang krimen sa lalong madaling panahon.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us