‘Rapid response’ sa bagyong Egay, ipinatutupad ng NDRRMC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasalukuyang ipinatutupad ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang “rapid response” sa mga lugar na apektado ng pananalasa ng bagyong Egay.

Ito ang sinabi ni NDRRMC Chairperson at Defense Secretary Gilbert Teodoro sa emergency meeting ng NDRRMC sa Office of Civil Defense (OCD), sa Camp Aguinaldo ngayong Hapon.

Sa pagpupulong nagbigay ng pag-uulat ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa naging epekto ng bagyo at mga aksyon na isinagawa nila.

Iniulat ng OCD, na kasalukuyang naka-deploy ang 188 Search and rescue personnel at naka standby ang 19,721 tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), at Philippine National Police (PNP) para sa Humanitarian and Disaster Relief (HADR) Operations.

Kasalukuyan ding aktibo ang dalawang eroplano ng Philippine Air Force (PAF) sa paghahatid ng relief supplies; at naka-standby din ang karagdagang 18 eroplano, 223 land vehicles, at 135 Sea vessels.

May kabuuang P2.66 na bilyong standby funds ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at OCD para sa relief operations.

Nanawagan naman si Teodoro sa media, na tumulong sa pagpaparating ng mga ulat ng pinsala sa NDRRMC, para sa mas mabilis na pangangalap ng impormasyon. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us