Tututukan na ng Pilipinas at ng European Union ang pagsasakatuparan ng Free Trade Agreement (FTA) sa pagitan ng magkabilang panig.
Sa pagbisita ni European Commission President Ursula von der Leyen, sinabi nito na nakatutok na ang kapwa Pilipinas at European Commission, para sa pagtatakda ng angkop na kondisyon, upang agad na makabalik ang mga ito sa negosasyon.
Kapwa makikinabang ang magkabilang panig sa oras na maisakatuparan dito, hindi lamang para sa linya ng pagni-negosyo, bagkus ay para na rin sa pagbubukas ng trabaho.
Ayon pa sa opisyal, natuto na ang buong mundo sa pangangailangan na gawing diversified ang supply lines ng bawat isa at siguruhin ang katatagan ng mga ito.
“The cost of economic dependencies, we need to diversify our supply lines and make them resilient. This is a lesson we have learned and that is what we call “derisking” our trade relations. An FTA is the basis for that. But it’s also much more. An FTA can be a springboard for a new technology cooperation to modernize the broader economy.” —Preisdent von der Leyen.| ulat ni Racquel Bayan