Rescue boat na ginamit ng 4 na PCG personnel na nawawala sa Cagayan River, natagpuan na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Natagpuan na kahapon ang aluminum boat na ginamit ng apat na nawawalang Philippine Coast Guard (PCG) rescuers sa Barangay Fuga, Aparri, Cagayan.

Ayon sa Coast Guard District North Eastern Luzon, namataan ito ng MV Eagle Ferry habang naglalagayag sa katubigang sakop ng Calayan Island.

Kwento ng kapitan, nakita nila itong palutang-lutang pitong milya mula sa naturang isla.

Ngunit wala na ang sakay ng naturang rescue boat nang makita ito kahapon.

Samantala, nagpapatuloy naman ang malawakang aerial at surface search and rescue operations para mahanap ang apat na PCG rescuers na nawala sa kasagsagan ng bagyong Egay noong July 26, 2023. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us