Kumikilos na ang mga line crew ng National Grid Corporation of the Philippines at nagsasagawa na ng inspection at assessment sa epekto ni bagyong Egay sa mga operasyon at pasilidad nito.
Bukod dito, sabay-sabay na ring isinasagawa ang restoration activities sa mga lugar na maaari nang mapuntahan.
Paglilinaw ng NGCP na ang kanilang ginagawa ay tumutukoy lamang sa katayuan ng transmission network.
Hindi kasama rito ang localized disturbances na tinutugunan ng distribution utility at ang mga linyang eksklusibong naghahatid ng direktang koneksyon sa mga industrial costumers.
Hanggang kaninang alas-11 ng umaga, hindi pa rin operational ang siyam na transmission facilities ng NGCP.
Kabilang dito ang Lal-lo-Sta. Ana 69kV Line bagamat may initial restoration nang ginawa.
Ang iba pa na bagsak ang operasyon ay ang mga sumusunod;
-San Esteban-Bangued 69kV Line;
-Itogon-Ampucao 23kV Line
-La Trinidad-Ampucao 69kV Line
-La Trinidad-Sablan 69kV Line
-Tuguegarao-Magapit 69kV Line
-Cabanatuan-San Luis 69kV Line
-San Esteban-Candon 69kV Line
-San Esteban-Narvacan 69kV Line at ang
-Bauang-San Fernando 115kV
| ulat ni Rey Ferrer