Siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang commitment ng pamahalaan na isulong ang kaayusan at kapayapaan sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kabilang na ang Northen Samar.
Sa inagurasyon ng Samar Pacific Coastal Road Project, sinabi ng Pangulo na sa pamamagitan ng proyektong ito matitiyak lamang na maipaaabot na ang basic services sa lahat ng residente sa lugar, na magreresulta naman sa paglago ng ekonomiya sa isla.
Ayon kay Pangulong Marcos Jr., magbibigay daan rin ito para sa mas marami pang inisyatibong nais ipatupad ng mga lokal na pamahalaan sa lugar.
“Through our determined efforts, we can build projects that will spur the growth of our local industries, boost our trade and our commerce, create more opportunities for our people. So, let’s never cease to reach out for bigger, grander, and more ambitious goals that we can give every Filipino the future that they heartily dream of and justly deserve.” —Pangulong Marcos.
Ang bagong 11.6 kilometer Samar Pacific Coastal Road na ito ay mayroong tatlong component na tulay sa Laoang patungong Palapag, na magpapadali ng movement ng mga kargamento at serbisyo sa isla. | ulat ni Racquel Bayan