Sen. Bato at PNP Chief, pangungunahan ang PNP Press Corps Shootfest

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pangungunahan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. ang PNP Press Corps First Invitational Shootfest sa darating na Biyernes, July 14, hanggang Linggo, July 16.

Ang aktibidad na isasagawa sa shooting range ng Kamp Karingal ay isang Level 1 Philippine Practical Shooting Association (PPSA)-sanctioned match na may limang stage at 120 round para sa handgun at Pistol Caliber Carbine (PCC).

Bukas ito para sa miyembro ng media, at mga gun enthusiasts, na maaari ding samantalahin ang on-site caravan sa pagproseso ng renewal o bagong aplikasyon ng License to Own and Possess Firearms (LTOPF).

Ayon kay PNP Press Corps President Mar Gabriel, layon ng aktibidad na mapahusay ang kakayahan ng mga miymebro ng media na ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga banta, sa pamamagitan ng responsableng paggamit ng baril.

Ang aktibidad ay isa rin aniyang fund-raising activity para sa benepisyo ng mga miyembro ng media na biktima ng karahasan na mangangailangan ng pinansyal na tulong.

Ang mga interesadong lumahok ay maaaring makipag-ugnayan sa PNP Press Corps Secretariat sa e-mail na [email protected]; at numerong 09285081296.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us