Sen. Revilla, umapela sa MMDA, DPWH na aksyunan ang mabilis na pagbaha sa Metro Manila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinalampag ni Senate Committee on Public Works Chairman Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) na tugunan ang pagbaha sa Metro Manila.

Ayon kay Revilla, dapat  agarang tukuyin ng MMDA at DPWH kung bakit napakabilis  ang pagbabaha  sa ilang mga lugar sa kalakhang Maynila at bakit napakabagal itong humupa.

Ito ay  makaraang lumubog sa baha ang maraming lugar sa Metro Manila na naging sanhi ng matinding pagsisikip ng trapiko.

Pinakamalala ang naging sitwayon sa kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX) na halos maghapong hindi umuusad ang mga sasakyan mula sa may bahagi ng Laguna hanggang Crossing, EDSA  dahil sa mga bahang bahagi ng kalsada.

Suspetsa ng Senador, posibleng barado ang mga daluyan ng tubig baha.

Tanong tuloy ni Revilla, nasaan ang ipinagmalaki ng DPWH noon na mga pumping stations sa buong Metro Manila na may 100 capacity aniya para sa panahon ng tag-ulan.

Giit ng Senador, dapat tugunan ang problemang ito para sa kapakanan ng mga motorista at mga mananakay na nahihirapang umuwi tuwing bumubuhos ang malakas na ulan. | ulat Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us