Nagsagawa ng pre-LEDAC meeting kahapon sina Senate President Juan Miguel Zubiri, Speaker Martin Romualdez, Senate President Pro Tempore Loren Legarda, Senator Sonny Angara, at House Majority Leader Mannix Dalipe.
Ayon kay Zubiri, sa naturang pagpupulong natalakay ang mga priority measure na kailangang ipasa ng Senado at ng Kamara sa darating na second regular session ng Kongreso.
Ibinahagi rin ni Zubiri na bukas July 5, ay muling magpupulong ang mga lider ng Senado at Kamara kasama naman ang mga kinatawan mula sa Executive branch.
Kabilang aniya sa mga panukalang batas na natalakay na ipaprayoridad ay ang:
1. National Disease Prevention Management Authority/CDC bill
2. Mandatory Reserve Officers Training Corps bill
3. Panukalang Internet Transactions Act
4. Amendments sa BOT Law/Public Private Partnership law
5. Revitalizing the Salt Industry
6. Magna Carta for Filipino Seafarers
7. LGU Income Classification
8. Ease of Paying Taxes
9. PENCAS
Ang mga panukalang ito ay una nang kasama sa LEDAC priorities.
Habang kabilang naman sa mga panukala na isinusulong na maisama rin sa LEDAC priorities ay ang:
1. Philippine Defense Industry Development Act (PDIDA)/Self-Reliant Defense Posture
2. Amyenda sa AFP Modernization Law
3. Tatak Pinoy bill
4. Blue Economy bill
| ulat ni Nimfa Asuncion