Simultaneous CCAM-CFW payouts, inilunsad ng DSWD XI sa Davao del Norte at Davao de Oro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ang Department of Social Welfare and Development Field Office (DSWD FO) XI, sa pakipag-kolaborasyon sa local government units (LGUs) ay naglunsad ng sabay-sabay na Climate Change Adaptation and Mitigation-Cash-for-Work
(CCAM-CFW) payouts sa Davao del Norte ug Davao de Oro noong July 3 hanggang July 7, 2023.

Nasa 2,563 benepisyaryo mula sa Davao del Norte, at 7,186 mula sa Davao de Oro ang nakatanggap ng tig- ₱438.00 bawat araw para sa 10 araw na pagta-trabaho, kaya nasa ₱4,380.00 lahat ang tinanggap ng bawat benepisyaryong mula iba’ ibang sektor tulad ng mga magsasaka, mangingisda, solo parents, persons with disabilities (PWDs), senior citizens at iba pa.

Ang mga benepisyaryo ay tinahasan sa pagtatrabaho sa gardening, canal declogging, at tree planting na naglalayong mapa-improve ang kapaligiran at ma-rehabilitate ang mga natural resources na mahalaga sa pananatili ng pangkabuhayan sa kumunidad at para maprotektahan ang kalikasan.

And Risk Resiliency Program on Climate Change Adaptation and Mitigation sa pamamagitan ng Cash-for-Work (RRP-CCAM-CFW) ay nagbibigay ng temporary employment opportunities para sa mga bulnerableng sectors sa komunidad.

Ang Agency ay nagbibigay rin ng assistance para maibsan ang paghihirap ng mga Filipino sa panahon ng krisis.| ulat ni Nitz Escarpe| RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us