Suspek sa pamamaril sa lalaki sa kainan sa Pasig City, naaresto sa follow-up operation ng pulisya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naaresto na ang armadong lalaki na basta na lamang namaril ng isang customer sa isang kainan sa Barangay Bambang, Pasig City.

Kinilala ang suspek na si Kim Ebuenga, 24 na taong gulang na residente ng Farmers Avenue, Barangay Malinao, Pasig City.

Batay sa imbestigasyon ng Pasig City Police, nakita sa kuha ng CCTV camera na kumakain ang biktima na si Rhenz Madriaga, 32 taong gulang, at mula sa likuran niya ay lumitaw ang suspek at basta na lamang itong binaril gamit at 38 revolver.

Tinamaan sa dibdib ang biktima at ngayon ay kasalukuyang nagpapagaling sa Pasig City General Hospital.

Bukod sa kuha ng CCTV, nakilala rin ng mga imbestigador ang suspek sa tulong ng mga testigo. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us