Taguig LGU, naglunsad ng bagong anti-poverty program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang bago nitong programa na tinawag na Lifeline Assistance for Neighbors In-Need Care and Support o LANI Cares.

Layon ng nasabing programa na i-augment ang mga existing programs ng pamahalaan tulad ng Assistane to Individuals in Crisis Situation o AICS ng DSWD at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers o TUPAD ng DOLE.

Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, ang programa ay nakadisenyo upang magbigay ng comprehensive support para sa mga mahihirap, maralita, at vulnerable sectors ng lungsod.

Dagdag pa ng alkalde, maliban sa financial assistance ay makakahuka ang mga nangangailangang pamilya o indibidwal ng food at non-food assistance sa panahon ng kalamidad.

Bukod dito, mayroon ring assistance na ibinibigay ang lungsod sa ilalim ng programa upang tulungan ang biktima at nakaligtas mula sa sexual at physical abuse, illegal recruitment, human trafficking, at iba pang mga sitwasyon tulad ng pagbibigay ng iba’t-ibang uri ng suporta tulad ng financial aid, food clothing, shelter, medical assistance, pre-employment assistance at psychological assessments.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us