Inaksyunan agad ng Department of Transportation ang unang complaint ng kanilang commuters hotline sa kanilang tanggapan.
Ayon sa DOTr base sa unang complaint ng commuters hotline ng kagawaran ay ini-report nito ang umano’y ‘cutting trip’ ng mga jeep na bumibiyahe sa rutang Pasay Rotonda-Alabang via Service Road.
Nagsagawa agad ng operasyon ang DOTr at LTFRB Law Enforcement sa SM Bicutan at nitong Huwebes ay nahuling nag-cutting trip ang dalawang traditional public utility jeepneys, samantalang limang modern public utility jeepneys ang nahuli rin sa kasunod na operasyon sa MIAA area.
Tiniketan ang mga drayber ng mga nahuling jeepney na kinakailangang magbayad ng multang P5,000 bilang first offense sa cutting trip na paglabag sa Joint Administrative Order 2014-01.
Muli namang paalala ng DOTr sa mga tsuper at commuter na ipagbigay alam agad sa kanilang tanggapan ang mga ganitong uri ng klaseng iligal na gawain ng mga pampublikong transportasyon ay tumawag sa DOTr Commuters Hotline sa numerong 0920-964-3687. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio