Dumalo sa isang graduation ceremony si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa Allen National High School, sa Lalawigan ng Northern Samar.
Sa kanyang mensahe sa 591 estudyanteng nagsipagtapos, sinabi ng Ikalawang Pangulo, na ang pagkamit ng pangarap ay kailangan ng matinding pagsisikap upang makamit ang minimithing pangarap sa buhay.
Dagdag pa ni VP Sara, na minsan ang pangarap ay nasa kapalaran din tulad ng kanyang ibinahagi sa mga mag-aaral na pinangarap din nito na maging isang doktor, ngunit siya ay napunta sa larangan ng public service.
Ani Vice President Sara, na maging siya ay hindi rin inakala na maabot niya ang pangalawa sa pinakamataas na lider ng bansa at maging kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, na isang malaking hamon sa kanyang buhay.
Kaya sa abot aniya ng kanyang makakya ay sinusuklian niya ang ibingaya tiwala sa kanya ng taumbayan.
Sa huli sinabi ni VP Sara sa mga nagsipagtapos, na sila ang magiging pag-asa ng bayan dahil sila na ang papalit na mamumuno ng bansa sa susunod pang mga henerasyon. | ulat ni AJ Ignacio