Dumalo si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa pagtatapos ng mga mag-aaral sa Junior High School sa Ganao National High School, sa Dupex Del Sur, Nueva Vizcaya.
Sa mensahe ng Pangalawang Pangulo, hinimok nito ang mga nagsipagtapos na linangin ang kanilang mga pangarap at huwag matakot na masaktan at mabigo sa pag-abot nito.
Binigyan diin ni VP Sara na ang mga aral mula sa kabiguan ang gagabay sa mga mag-aaral upang maging matatag at lalong magpursige na maabot ang kanilang pangarap.
Binati din ni Duterte ang mga magulang at guardians sa kanilang sakripisyo at suporta upang maitawid ang mga pangangailangan ng kanilang anak sa pag-aaral.
Gayundin, ang mga guro na nagpakita ng dedikasyon at kasipagan para hubugin ang kahandaan at karunungan ng mga mag-aaral sa larangan ng academics.
Nasa 110 na junior high school at senior high school ang nagtapos sa ginanap na moving-up ceremony at graduation rites sa Ganao National High School. | ulat ni Diane Lear