Isinusulong ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan ang pagkakaroon ng inter-agency protocol pagdating sa pagtugon sa iba’t ibang environmental disasters.
Bunsod na rin ito ng nangyaring oil spill sa bahagi ng Oriental Mindoro noong Pebrero matapos lumubog ang MT Princess Empress.
Aniya, dapat maging magkakaugnay o whole-of-government ang pagtugon sa mga isyung nakakaapekto sa kalikasan at hindi reactionary lamang.
Payo pa nito sa DENR, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at iba pang ahensya na pagtulungan nang bumuo ng protocol para agad matutugunan ang kahalintulad na pangyayari sakaling maulit sa hinaharap.
“Ilang oil spills na ba ang nangyari sa buong Pilipinas? Wala pa rin tayong nabubuo na established protocols na talagang susundan natin. Kasi hindi natin maso-solve ang problema kapag ganito. It’s high time for us to change our mindset. We should not be reactionary. Hindi yung ‘pag may mga ganitong hearing nagtuturuan,” ani Yamsuan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes