Pinuna ng Commission on Audit o COA ang gastos sa maintenance ng New Clark City sports facilities sa Capas, Tarlac na pinatatakbo ng Bases Conversion and Development Authority o BCDA.
Batay sa annual audit ng COA noong 2022, lumalabas na umabot sa P51 milyon ang maintenance cost ng NCC na ginamit noong Southeast Asian Games 2019.
Ayon sa COA, mas mataas pa ang maintenance cost kumpara sa kita o rent income ng nasabing sports facility na nasa mahigit P39 milyon lamang.
Dagdag ng COA, kung magpapatuloy ito ay dagdag gastos lamang ito sa panig ng pamahalaan imbes na magamit ito sa ibang programa at proyekto.
Inirekomenda na ng COA sa BCDA na magsumite ng marketing plan at alamin kung paaano mababawi ang gastos.
Sa ngayon, sinabi ng BCDA na sinimulan na nito ang agresibong promotion ng sports facility para makahikayat ng mga kliyente at mapanatili ang pasilidad.
Ang NCC sports facility ay may athletic stadium, aquatic center, track oval, athlete’s village, at national river park corridor. | Diane Lear