Matagumpay na natapos ang limang araw na tourism-related trainings ng mga kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng Bolinao, Pangasinan.
Pinangunahan ng Pangasinan PDRRMO ang pagsasanay kung saan naging sentro ang Water Search and Rescue (WASAR).
Ayon sa LGU, ang bayan ng Bolinao ay napapaligiran ng karagatan kaya naman malaking tulong ang pagsasanay sa mga responders upang malinang ang kanilang kakayahang sagipin ang buhay ng mga turista at mamamayan ng bayan.
Sumailalim sa iba`t ibang water survival ang mga kalahok tulad ng river crossing exercise, boat maneuvering exercise, at 1.5 nautical miles survival swimming exercise.
Dagdag dito, nabigyan din ng kaalaman ang mga kalahok sa basic life support, standard first aid, at incident operations.
Nagpahayag naman ang Bolinao DRRMC ng pasasalamat sa mga naging kalahok at sa Pangasinan PDRRMO sa matagumpay na pagsasanay. | ulat ni Ricky Casipit | RP1 Dagupan