Patay ang isang pulis at dalawa ang sugatan sa nangyaring ambush sa Brgy. Minapasok, Calatrava, Negros Occidental.
Ayon kay P/Capt. Judesses Catalogo, Spokesperson ng Negros Occidental Police Provincial Office, maghahain sana ng warrant of arrest ang kapulisan sa isang wanted person sa lugar.
Ang wanted person ay kinilalang si Darry Dayawan na miyembro ng New People’s Army (NPA).
Sa halip na maghain ng warrant of arrest, isang engkwentro ang naganap matapos pagbabarilin sila ng mga rebelde.
Sa impormasyon nakuha ng NOCPPO, nasa 30 rebelde ang nakalaban ng kapulisan.
Sa ngayon, nagpapatuloy naman ang clearing operations sa lugar. | ulat ni Paul Tarrosa| RP1 Iloilo