10 domestic flight sa NAIA, kanselado ngayong araw dahil sa masamang panahon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabiso ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga pasahero dahil sa mga kanseladong biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Batay sa abiso ng MIAA, 10 domestic flights ang kinansela ang biyahe ngayong araw bunsod ng masamang panahon sa destinasyon.

Kabilang sa mga nakansela ang biyahe ng Cebu Pacific Flight 5J 404/405 na biyaheng Manila patungong Laoag at pabalik.

Gayundin ang flight 5J 504/505/506 at 507 na biyaheng Manila Tuguegarao at pabalik; 5J 196/197 na biyaheng Manila Cauayan at pabalik.

Kanselado rin ang biyahe ng CebGo DG 6117/6118 na biyaheng Manila patungong Masbate at pabalik

Dahil dito, pinagsabihan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa mga airline para sa rebooking at refund ng kanilang biyahe. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us