Sen. Poe, nanawagang ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng bagong travel guidelines para sa mga Pilipinong papalabas ng bansa

Hinimok ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senadora Grace Poe sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na ipagpaliban na muna ang pagpapatupad ng bagong travel guidelines para sa mga Pilipinong papalabas ng bansa. Ito ay sa gitna ng hinaing ng publiko tungkol sa dagdag na mga dokumentong hihingin sa paglabas ng bansa dahil pasakit… Continue reading Sen. Poe, nanawagang ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng bagong travel guidelines para sa mga Pilipinong papalabas ng bansa

Bacolod City, isinailalim ng State of Calamity dahil sa epekto ng Bagyong Goring

Isinailalim na sa State of Calamity ang Bacolod City kasunod ng malawakang pagbaha na naranasan sa lungsod dahil sa pag-ulan na dala ng Habagat na pinalakas lalo ng Bagyong #GoringPH. Sa 61st regular session ng Bacolod City Council, inaprubahan ng mga konsehal ang request ni Mayor Albee Benitez na magdeklara ng State of Calamity. Batay… Continue reading Bacolod City, isinailalim ng State of Calamity dahil sa epekto ng Bagyong Goring

Contempt order laban sa tatlong pulis Navotas na sangkot sa pagpatay kay Jemboy Baltazar, inalis na ng Senate panel; Kustodiya ng tatlong pulis, inilipat sa Kampo Crame

Copy of Copy of cttee hearing - 1

Inalis na ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang contempt order sa tatlong miyembro ng Navotas City Police na isinasangkot sa pagkamatay ni Jemboy Baltazar na isang kaso ng mistaken identity. Sa kabila nito, sinabi pa rin ni Committee Chairman Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na mananatili sa kustodiya ng PNP general… Continue reading Contempt order laban sa tatlong pulis Navotas na sangkot sa pagpatay kay Jemboy Baltazar, inalis na ng Senate panel; Kustodiya ng tatlong pulis, inilipat sa Kampo Crame

Hepe ng Mandaluyong City Police Station, sinibak sa puwesto matapos magpositibo sa drug test

Kinumpirma ni Eastern Police District Director Police Brigadier General Wilson Asueta na sinibak na sa puwesto ang hepe ng Mandaluyong City Police Station na si Police Colonel Cesar Gerente. Ito ay matapos umanong magpositibo sa isinagawang surprise drug test ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong August 24. Ayon kay Asueta, inilagay muna si… Continue reading Hepe ng Mandaluyong City Police Station, sinibak sa puwesto matapos magpositibo sa drug test

P13-M halaga ng shabu, nasabat sa San Carlos City

Nakumpiska ng San Carlos City Police Station ang mahigit 2 kilo ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Hacienda Sta. Ana, Brgy. Palampas, San Carlos City, Negros Occidental. Arestado sa operasyon sina John Valentin Remegio, 34 na taong gulang at residente ng Brgy Caingin, La Paz, Iloilo Cityat Crismark Blancaflor, 27 taong gulang at residente… Continue reading P13-M halaga ng shabu, nasabat sa San Carlos City

Korte Suprema, kinumpirmang empleyado nila ang dating pulis na nanakit ng isang biker sa QC

Kinumpirma ng Korte Suprema na empleyado nila ang nag-viral na dating pulis na nanakit ng isang biker sa Quezon City kamakailan. Sa sertipikasyon na nilagdaan ni Wilhelmina Aileen B. Mayuga, Judicial Staff Head ng Office of Associate Justice Ricardo R. Rosario, kinumpirma ng SC na empleyado nila ang dating pulis na si Wilfredo Gonzales sa… Continue reading Korte Suprema, kinumpirmang empleyado nila ang dating pulis na nanakit ng isang biker sa QC

Taas-sweldo para sa mga guro, susuportahan ng DepEd

Susuportahan ng Department of Education (DepEd) ang anomang pagsusulong para sa taas-sahod ng mga guro. Sa interpelasyon ni ACT-Teachers Party-list Representative France Castro, sinabi nito na batay na rin sa pahayag ng Department of Budget and Management (DBM), may nasa P86.9 billion na maaaring magamit para sa salary increases ng government employees. Kaya naman tanong… Continue reading Taas-sweldo para sa mga guro, susuportahan ng DepEd

Buhawi, nanalasa sa Iloilo City

Isang buhawi ang nanalasa sa Iloilo City nitong Miyerkule ng umaga, Agosto 30. Ayon kay Charles Vincent Samodio ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), dumaan ang buhawi sa dalawang barangay sa lungsod partikular sa Buntatala at sa Tagbak sa distrito ng Jaro pasado alas 11 ng umaga. Sugatan naman ang isang 33… Continue reading Buhawi, nanalasa sa Iloilo City

Media Information Literacy program ng PCO, popondohan ng ₱19-M para labanan ang fake news

Nasa ₱19-million ang ipinapanukalang pondo ng Presidential Communications Office (PCO) para sa ikakasang Media Information Literacy panlaban sa fake news at misinformation. Ayon kay PCO Undersecretary Emerald Ridao, bahagi ng programa ang paglulunsad ng MIL Summit sa Oktubre kasabay ng Media Information Literacy Month at Communications Month. Dito, magsasagawa ng workshop ang PCO katuwang ang… Continue reading Media Information Literacy program ng PCO, popondohan ng ₱19-M para labanan ang fake news

Caloocan LGU, namahagi ng “balik-eskwela” package sa mga pampublikong paaralan sa lungsod

Namahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Caloocan ng bags at school supplies sa mga mag-aaral ng iba’t ibang pampublikong paaralan sa lungsod sa muling pagbubukas ng klase. Pinangunahan ni Caloccan City Mayor Dale Malapitan ang pamamahagi ng “balik-eskwela” package para sa mga mag-aaral sa elementarya. Ayon sa Caloocan LGU, nakatakda rin na makatanggap ng “balik-eskwela”… Continue reading Caloocan LGU, namahagi ng “balik-eskwela” package sa mga pampublikong paaralan sa lungsod