Buhawi, nanalasa sa Iloilo City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang buhawi ang nanalasa sa Iloilo City nitong Miyerkule ng umaga, Agosto 30.

Ayon kay Charles Vincent Samodio ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), dumaan ang buhawi sa dalawang barangay sa lungsod partikular sa Buntatala at sa Tagbak sa distrito ng Jaro pasado alas 11 ng umaga.

Sugatan naman ang isang 33 gulang na lalaki na tinamaan ng mga debris mula sa napinsalang mga establisyimento. Kaagad naman siyang nirespondenhan at dinala sa pinakamalapit na ospital.

Nagdulot ng pinsala ang buhawi sa isang tindahan at ilang mga establisyimento sa Tagbak, Jaro.

Wala namang naitalang pinsala sa mga residential houses.

Nagbabala ang CDRRMO sa mga residente na manatili sa loob ng kanilang mga bahay at iwasang lumabas sa mga open spaces tuwing may namataang buhawi sa kanilang lugar.| ulat ni Emme Santiagudo| RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us