LTO , sinuspinde na ang lisensya ng SUV driver sa Subic road rage

Pinatawan na ng 90-araw na preventive suspension ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng babaeng driver ng Sports Utility Vehicle na sangkot sa panibagong kaso ng road rage sa Subic Bay Freeport Zone. Ito’y matapos matukoy at matunton ng LTO-Region 3 ang driver ng SUV na Toyota Fortuner sa kanyang tirahan sa Morong, Bataan.… Continue reading LTO , sinuspinde na ang lisensya ng SUV driver sa Subic road rage

Nagpakilalang pulis sa viral road rage sa Quezon City, pinaghahanap na

Ipinag-utos na ni Quezon City Police District Director, Police Brigadier General Redrico Maranan, ang pagtugis sa nagpakilalang pulis na nag-viral sa social media matapos mabundol ang isang rider at pasahero nito sa Mindanao Avenue, Quezon City. Batay sa Facebook post ng isang Rayou Carbonnel, pasahero ng rider, habang binabaybay nila ang Mindanao Ave., ay biglang… Continue reading Nagpakilalang pulis sa viral road rage sa Quezon City, pinaghahanap na

LTO, nag-isyu na ng Show Cause Order laban sa may-ari at driver ng SUV sa isang kaso ng road rage sa Marikina City

Nag-isyu na ng Show Cause Order (SCO) ang Land Transportation Office (LTO) laban sa driver gayundin sa may-ari ng Sports Utility Vehicle (SUV) na sangkot sa viral road rage incident sa isang bicycle rider sa Marikina City. Kasabay nito, sinabi ni LTO chief Vigor Mendoza II na inimbitahan din ang sakay ng bisikleta sa LTO-National… Continue reading LTO, nag-isyu na ng Show Cause Order laban sa may-ari at driver ng SUV sa isang kaso ng road rage sa Marikina City

LTO, naglabas ng Show Cause Order laban sa registered owner ng viral road rage video sa Cavite

Nag-isyu na ng Show Cause Order (SCO) ang Land Transportation Office (LTO) laban sa rehistradong may-ari ng sasakyan na ang driver nito ay nasangkot sa panibagong road rage sa Imus, Cavite. Isang babae ang lumalabas na rehistradong may-ari ng puting Honda CRV na may plakang REN123. Binigyan lamang ng limang araw ng LTO ang may-ari… Continue reading LTO, naglabas ng Show Cause Order laban sa registered owner ng viral road rage video sa Cavite

Cayetano sa gobyerno: Huwag hintaying mag-viral muna ang road rage bago aksyunan

Binigyang-diin ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Martes ang kahalagahan ng integridad sa pagpapanatili ng public order. Hinimok din niya ang mga alagad ng batas at mga ahensya ng gobyerno na huwag nang hintaying kumalat muna sa social media ang mga paglabag sa batas bago nila ito aksyunan. Ipinahayag ito ni Cayetano sa isinagawang pagdinig… Continue reading Cayetano sa gobyerno: Huwag hintaying mag-viral muna ang road rage bago aksyunan

Korte Suprema, kinumpirmang empleyado nila ang dating pulis na nanakit ng isang biker sa QC

Kinumpirma ng Korte Suprema na empleyado nila ang nag-viral na dating pulis na nanakit ng isang biker sa Quezon City kamakailan. Sa sertipikasyon na nilagdaan ni Wilhelmina Aileen B. Mayuga, Judicial Staff Head ng Office of Associate Justice Ricardo R. Rosario, kinumpirma ng SC na empleyado nila ang dating pulis na si Wilfredo Gonzales sa… Continue reading Korte Suprema, kinumpirmang empleyado nila ang dating pulis na nanakit ng isang biker sa QC

Ilan pang senador, kinondena ang pagkakasa ng baril ng isang retiradong pulis sa isang siklista

Ilan pang mga senador ang kumondena sa viral road rage ng retiradong pulis na si Wilfredo Gonzales sa isang siklista na nangyari sa Quezon City. Ayon kay dating PNP Chief Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, hindi na dapat makahawak ng baril si Gonzales. Suportado rin ni Dela Rosa na alisan na ito ng baril para… Continue reading Ilan pang senador, kinondena ang pagkakasa ng baril ng isang retiradong pulis sa isang siklista

Mayor Belmonte, bibigyan ng protection ang siklista na biktima ng gun-toting incident sa QC

Hinimok ng Quezon City government ang siklista na kinasahan ng baril ng dating pulis na lumantad at makipagtulungan para sa pagsasampa ng kaso. Naglabas ng panawagan si Mayor Joy Belmonte matapos ihayag ng dating pulis na si Wilfredo Gonzalez na nagka-ayos na sila ng siklista. Kasabay nito, inutusan ni Belmonte ang QC People’s Law Enforcement… Continue reading Mayor Belmonte, bibigyan ng protection ang siklista na biktima ng gun-toting incident sa QC

Dating pulis na sangkot sa road rage incident, dapat na kasuhan – DILG

Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., na dapat sampahan ng kaso ang dating pulis at driver na nanakit at nagkasa ng baril sa isang siklista malapit sa Welcome Rotonda, Quezon City noong Agosto 8. Bagamat nagkaayos na ang siklista at ang dating pulis na si Wilfredo Gonzales,… Continue reading Dating pulis na sangkot sa road rage incident, dapat na kasuhan – DILG