1,245 arestado sa kampanya ng PNP laban sa e-sabong

Facebook
Twitter
LinkedIn

1,245 suspek ang naaresto ng iba’t ibang unit ng Philippine National Police mula July 1, 2022, hanggang August 15, 2023 sa pinaigting na kampanya laban sa E-Sabong.

Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) Chief Police Brig. General Red Maranan, sa mga arestadong suspek, 437 kaso ang nasa piskalya, habang 808 kaso ang ni-refer sa mga korte para sa legal na aksyon, kung saan 322 kaso ang nagresulta sa conviction.

Batay aniya ito sa datos ng PNP Crime Incident Reporting and Analysis System (CRAS) as of August 17, 2023.

Nanguna sa kampanya laban sa E-Sabong ang Police Regional Office (PRO) 7, na may 348 naaresto; pangalawa ang PRO 3 na may 328 nahuling suspek; at pangatlo ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na may 200 naaresto.

Pinuri ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang dedikasyon ng mga operatiba sa kampanya kontra sa E-Sabong, bilang pagsulong ng kautusan ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. na palakasin ang operasyon laban sa naturang iligal na sugal. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us