15 katao patay, 2 sugatan sa sunog sa isang residential area sa Tandang Sora, QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Bureau of Fire Protection na 15 ang nasawi kabilang ang isang 3 taong gulang na bata sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Pleasant View Subdivision, Brgy. Tandang Sora, QC kaninang pasado alas-5 ng madaling araw.

Ayon sa BFP, mabilis na kumalat ang apoy sa bahay na nagsisilbi ring pagawaan o imprentahan ng damit kaya natrap at nahirapan nang makalabas ang mga biktima.

Tatlo naman ang naitalang nasugatan pa kasunod ng insidente.

Kasama rito ang biktimang si Mariafe na tumalon sa ikalawang palapag ng gusali para makalabas sa sunog.

Labis rin ang paghihinagpis ni Frances, isa sa mga nakaligtas sa sunog sa pagkasawi ng mga kasamahan nito sa trabaho.

Sa kwento nito, lahat silang manggagawa ay stay-in sa naturang imprentahan ng damit.

Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog na umabot sa unang alarma ngunit tumagal ng tatlong oras bago tuluyang naapula.

Kasama sa iniimbestigahan ang operasyon ng t-shirt printing ng naturang bahay nang walang anumang permit maliban sa barangay permit.

Ayon pa sa BFP, iisa lang ang entrance at exit sa naturang gusali at wala itong anumang fire exit. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us