2 sasakyan, nalubog sa baha sa tabi ng Marikina River

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuluyang nalubog sa baha ang 2 sasakyan na naabutang nakarapada sa bahagi ng Marikina Riverpark.

Ito’y makaraang umapaw ang tubig sa Ilog Marikina mula pa kaninang umaga matapos ang magdamag na pag-ulan.

Kaya naman nanlulumo ang isa sa mga may-ari ng sasakyang nalubog dahil hindi niya naagapang alisin ang kaniyang sasakyan sa kabila ng abiso ng Marikina Rescue 161.

Mag-aala-sais ng umaga kanina nang patunugin ang sirena sa Marikina River na hudyat ng paglalagay dito sa unang alarma.

Batay sa pinakahuling tala ng Marikina City Rescue 161, umaabot na sa 15.7 ang lebel ng tubig sa Marikina River na kung tataas pa ay aabot na sa ikalawang alarma. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us