23 anak ng mga nasawing pulis, nakatanggap ng scholarship sa Bayaning Pulis Foundation

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagkalooban ng Bayaning Pulis Foundation ng Educational Grant and Assistance ang 23 mag-aaral na dependent ng mga nasawing pulis, na kabilang sa 3rd batch ng mga benepisyaryo ng kanilang scholarship program.

Ang simpleng seremonya na isinagawa sa Meridian Innovation Center, Double Dragon Meridian Park sa Pasay City ay pinangunhanan ni Bayaning Pulis Foundation Inc. Chairman Ambassador Benedicto V. Yujuico at PNP Deputy Chief for Administration Police Lt. Gen. Rhodel Sermonia na kumatawan kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr.

Ang Bayaning Pulis Foundation, Inc. na itinatag noong Setyembre 2022 ay mayroon nang 63 benepisyaryo ng Educational Grant and Assistance para sa kanilang pag-aaral mula pre-school hanggang kolehiyo.

Ayon kay Ambassador Yujuico, ang scholarship grant ay “commitment” na hindi mapabayaan ang mga pamilya na naiwanan ng mga pulis na nagbuwis ng kanilang buhay.

Nagpasalamat naman si Lt. Gen. Sermonia sa ngalan ng PNP Chief sa Bayaning Pulis Foundation, kasabay ng pagtiyak ng buong suporta ng PNP sa Foundation para makamit ang kanilang layunin. | ulat ni Leo Sarne

📸: Bayaning Pulis Foundation Inc.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us