Senator Robin Padilla, mariing iginiit na ‘di naging traydor si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Inang Bayan

Hindi kailanman magiging traydor si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Inang Bayan. Ito ang iginiit ni Senator Robinhood “Robin” C. Padilla, matapos pabulaanan ang paratang na ipinangako ni Duterte sa Tsina, na aalisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Ito ay sa kabila ng lumalabas sa mga nakaraang araw na mga tsismis, tungkol… Continue reading Senator Robin Padilla, mariing iginiit na ‘di naging traydor si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Inang Bayan

Napaulat na pagtaas sa ‘drug-related deaths’ sa ilalim ng Marcos Jr. Administration, beberipikahin ng DOJ

Mismong si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang nangako na iba-validate ang umano’y pagtaas sa numero ng ‘drug-related deaths’ sa ilalim ng Marcos Jr. Administration. Sa deliberasyon ng panukalang budget ng ahensya, sinabi ni ACT-Teachers Party-list Representative France Castro, na sa inilathalang report ng University of the Philippines Third World Studies Center (UP TWSC)—hanggang noong… Continue reading Napaulat na pagtaas sa ‘drug-related deaths’ sa ilalim ng Marcos Jr. Administration, beberipikahin ng DOJ

Sen. Villanueva, muling iginiit na mahalaga pa ring ipatupad ang work from home set up sa ilang opisina sa NCR

Muling Iginiit ni Senator Joel Villanueva na mahalaga pa ring ipatupad ang work from home set up sa National Capital Region (NCR), upang maibsan ang pagbigat ng trapiko sa buong Metro Manila. Ayon sa senator, kaya sinuportahan niya ang Telecommuting Act ay upang makabawas sa mobility nung panahon ng pandemya kung saan matindi ang hawaan… Continue reading Sen. Villanueva, muling iginiit na mahalaga pa ring ipatupad ang work from home set up sa ilang opisina sa NCR

LTFRB at LTO, imo-monitor ang mga kolorum na school bus na maglilipana sa pagbubukas ng klase

Magtutulungan ang Land transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO), para i-monitor ang mga kolorum na school bus kasabay ng pagbubukas ng klase sa August 29. Babala ni LTFRB Executive Director Roberto Peig, hindi na dapat tangkilikin ng publiko ang mga kolorum na sasakyan na namamasada. Ani Peig, delikado ang mga… Continue reading LTFRB at LTO, imo-monitor ang mga kolorum na school bus na maglilipana sa pagbubukas ng klase

Mga Pilipino na bakasyon ang sadya sa ibang bansa, walang dapat ikabahala sa mas pinahigpit na departure guidelines na inilabas ng IACAT

Pinawi ng Bureau of Immigration (BI) ang pangamba ng mga Pilipinong magbabakasyon lamang sa ibang bansa, kasunod ng bagong guidelines na inilabas ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa mga lalabas ng bansa. Sa briefing ng Laging Handa, ipinaliwanag ni BI Spokesperson Dana Sandoval, na ang guidelines na ito ay para lamang sa pagpapadali… Continue reading Mga Pilipino na bakasyon ang sadya sa ibang bansa, walang dapat ikabahala sa mas pinahigpit na departure guidelines na inilabas ng IACAT

Usok sa mga drainage sa isang subvision sa North Caloocan, ikina-alarma ng mga residente

Napasugod ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection sa isang subdivision sa Bagbaguin, Caloocan City dahil sa hinalang mayroong chemical leak sa lugar. Ayon kay Barangay Bagbaguin Caloocan City Administrator Mar Reginio, amoy kemikal ang inirereklamo ng mga residente na ilang araw na raw nilang naaamoy sa bungad ng Gremville Subdivision. Sinuyod ng mga… Continue reading Usok sa mga drainage sa isang subvision sa North Caloocan, ikina-alarma ng mga residente

LTO, ipatatawag ang driver ng SUV na nag-iwan ng kaniyang sasakyan sa gitna ng kalsada sa Mandaluyong

Ipatatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang driver ng sports utility vehicle na nagparada ng kaniyang sasakyan sa gitna ng kalsada sa harap ng La Salle Green Hills sa Mandaluyong City. Matatandaang sumulat ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa LTO dahil maling inasal ng SUV driver. Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza… Continue reading LTO, ipatatawag ang driver ng SUV na nag-iwan ng kaniyang sasakyan sa gitna ng kalsada sa Mandaluyong

Limitadong operasyon ng LRT-1 mula Gil Puyat hanggang FPJ Station, magtatagal pa ng tatlong araw

Magtatagal pa ng tatlong araw ang limitadong operasyon ng LRT Line 1 mula Gil Puyat hanggang FPJ Station ayon sa Light Rail Manila Corporation. Sa pinakahuling update ng LRMC kaninang 5:30 ng hapon, sinabi nito na kinailangan ng kanilang Engineering Team na magsagawa ng karagdagang trackwork sa susunod na tatlong araw upang tiyaking nanatiling ligtas… Continue reading Limitadong operasyon ng LRT-1 mula Gil Puyat hanggang FPJ Station, magtatagal pa ng tatlong araw

Inter-agency conference para sa FIBA World Cup, isinagawa sa Camp Crame

Isinagawa sa Camp Crame ang final inter-agency conference para sa FIBA Basketball World Cup (FBWC) kasama ang iba’t ibang stakeholders. Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations Police Lieutenant General Michael John Dubria, tumatayong overall supervisor ng FBWC 2023, kasama sa mga pinlantsa sa pagpupulong ang crowd management, emergency response, traffic control, at pagpapatupad ng… Continue reading Inter-agency conference para sa FIBA World Cup, isinagawa sa Camp Crame

3 pampublikong pasyalan o parke sa San Juan City, idineklarang smoke-free

Pormal na ngang idineklara bilang smoke-free ang may tatlong parke o pook pasyalan sa Lungsod ng San Juan ngayong araw. Ito’y bilang pagtalima sa mga umiiral na batas na nagtataguyod sa pampublikong kalusugan, pagtitiyak ng mailinis na hangin at maaliwalas na kapaligiran sa Metro Manila para sa lahat. Kapwa pinangunahan nila San Juan City Mayor… Continue reading 3 pampublikong pasyalan o parke sa San Juan City, idineklarang smoke-free