MRT-3, nakahanda na para sa pagbubukas ng klase sa darating na August 29

Nakataas na sa heightened alert status ang buong linya ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa darating na Martes, August 29. Kasunod na rin ito ng direktiba ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na siguraduhing ligtas, maayos, at maginhawa ang biyahe ng linya sa darating na… Continue reading MRT-3, nakahanda na para sa pagbubukas ng klase sa darating na August 29

Pagiging agresibo ng China sa WPS, nabawasan matapos isiwalat sa mundo ang kanilang mga aktibidad – AFP

Obserbasyon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Colonel Medel Aguilar na nabawasan ang pagiging agresibo ng China sa West Philippine Sea (WPS), matapos na isiwalat sa mundo ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner ang kanilang ginawang pambobomba ng water cannon noong Augosto 5, sa mga resupply vessel na patungo sa Ayungin… Continue reading Pagiging agresibo ng China sa WPS, nabawasan matapos isiwalat sa mundo ang kanilang mga aktibidad – AFP

DSWD, nanawagan ng suporta para mapalakas ang Juvenile Justice Welfare Act

Humihiling ng suporta ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para mapatatag ang implementasyon ng amended Republic Act No. 9344, o ang Juvenile Justice and Welfare Act. Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, kailangan ang kooperasyon at pakikiisa ng lahat ng duty bearer para sa maayos na pagpapatupad ng batas at pagbibigay proteksyon… Continue reading DSWD, nanawagan ng suporta para mapalakas ang Juvenile Justice Welfare Act

Bilang ng mga nagsipag enroll na mag-aaral para sa School Year 2023-2024, umakyat na sa halos 19 million

Patuloy pang dumarami ang bilang ng mga enrollee o mga nagpatala para sa papasok na School Year 2023-2024, limang araw bago ang pagbubukas ng klase. Batay sa datos mula sa Learner Information System Quick Count ng Department of Education (DepEd), pumalo na sa 18.8 million o halos 19 milyon ang mga naitala nilang enrollee. Pinakamarami… Continue reading Bilang ng mga nagsipag enroll na mag-aaral para sa School Year 2023-2024, umakyat na sa halos 19 million

Senate inquiry sa patuloy na pagkalat ng text scams, nais ipagpatuloy ni Sen. Grace Poe

Nais ipagpatuloy ni Senator Grace Poe ang inquiry ng senado kaugnay sa patuloy na pagkalat ng text scams kahit na napakarami nang nakapagparehistro sa SIM card registration sa buong bansa. Ayon kay Senator Poe na nais niyang ipatawag ang mga telecommunication companies at mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Information and Communications Technology… Continue reading Senate inquiry sa patuloy na pagkalat ng text scams, nais ipagpatuloy ni Sen. Grace Poe

Paggalang sa karapatang pantao sa mga checkpoint, tiniyak ni Gen. Acorda

Tiniyak ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na gagalangin ng mga pulis ang karapatang pantao sa pagsasagawa ng mga checkpoint kaugnay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30. Sa Command Conference sa Camp Crame, kasama ang Commission on Elections at iba pang deputized agency kamakalawa, sinabi ni Gen. Acorda na… Continue reading Paggalang sa karapatang pantao sa mga checkpoint, tiniyak ni Gen. Acorda

CHED, nanguna sa best performing government agencies batay sa 2nd quarter Tugon ng Masa survey ng OCTA Research

Nanguna ang Commission on Higher Education (CHED) sa best performing government agencies dahil sa mga ipinatutupad na programa sa higher education. Ito ay batay sa inilabas na second quarter Tugon ng Masa survey ng OCTA Research kung saan nakakuha ang CHED ng 80 percent rating. Nakakuha ang CHED ng pinakamataas na rating sa Visayas na… Continue reading CHED, nanguna sa best performing government agencies batay sa 2nd quarter Tugon ng Masa survey ng OCTA Research

Toll Regulatory Board, naglabas ng guidelines hinggil sa gawing dry run ng contact less toll collection sa buwan ng Setyembre

Naglabas ang pamunuan ng Toll Regulatory Board (TRB) ng Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa dry run ng Contactless Toll Collection sa darating na buwan ng Setyembre. Ayon sa TRB, selected toll areas ang mag-i-imolent ng naturang dry run ito ang mga toll road ng mga sumusunod A. North Luzon Expressway (NLEX) Autosweep SubscribersA.… Continue reading Toll Regulatory Board, naglabas ng guidelines hinggil sa gawing dry run ng contact less toll collection sa buwan ng Setyembre

Kahalagahan ng pagbaba ng national government powers sa LGUs, magpapatatag sa bansa; Inisyal na hakbang tungo sa isang federal government, ginagawa na ng pamahalaan – Pangulong Marcos Jr.

Ginagawa na ng pamahalaan ang inisyal na hakbang tungo sa isang pederal na sistema ng gobyerno. Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa panunumpa ng mga bagong miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa Malacañnag, ngayong araw (August 24). Sa kaganapan, binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagkakaroon ng… Continue reading Kahalagahan ng pagbaba ng national government powers sa LGUs, magpapatatag sa bansa; Inisyal na hakbang tungo sa isang federal government, ginagawa na ng pamahalaan – Pangulong Marcos Jr.

I-ACT, muling nagkasa ng operasyon sa EDSA Busway; 26 sasakyan, sinita

Patuloy na pinaaalalahanan ng Inter-Agency Council on Traffic o I-ACT ang mga ahensya ng pamahalaan bawal dumaan sa EDSA Busway ang mga red-plated vehicle gayundin ang mga kawani ng pamahalaan na gumagamit ng pribadong sasakyan. Ginawa ng I-ACT ang pahayag makaraang muli silang magkasa ng operasyon katuwang ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, Land… Continue reading I-ACT, muling nagkasa ng operasyon sa EDSA Busway; 26 sasakyan, sinita