COMELEC-Pasig, may paalala sa mga kakandidato para sa Barangay at SK Elections

Pinaalalahanan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Pasig City ang mga kakandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na kumpletuhin ang kanilang mga dokumento sa paghahain ng kandidatura. Ayon kay COMELEC-Pasig Election Officer Atty. Ronaldo Santiago, may ilang mga naghahain ng kandidatura na kung hindi mali ay kulang ang isinusumiteng dokumento. May ilang kandidato… Continue reading COMELEC-Pasig, may paalala sa mga kakandidato para sa Barangay at SK Elections

BI, nangako ng mas mabilis na pagproseso sa mga biyahero

Nangako ang Bureau of Immigration (BI) na pabibilisin ang pagproseso sa mga biyahero ng hanggang 45 segundo kapalit ng mas malaking budget sa 2024. Pagbabahagi ni Deputy Speaker Ralph Recto, nakasaad sa ‘Performance Information’ ng BI sa kanilang budget request na gagawing mabilis ang pagproseso ng mga biyahero para sa dagdag na ₱2.63-billion na pondo.… Continue reading BI, nangako ng mas mabilis na pagproseso sa mga biyahero

Labi ni DMW Sec. Ople, dadalhin sa DMW Office sa Mandaluyong ngayong araw

Matapos ang isinagawang necrological services sa Malacanang para kay Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople. Nakatakdang naman dalhin ang labi ng kalihim sa Department of Migrant Workers Office sa Ople Building, EDSA corner Ortigas Avenue, Mandaluyong City mamayang alas-5 ng hapon. Batay sa inilabas na wake schedule ng DMW, magkakaroon ng isang Parangal at Pagpupugay… Continue reading Labi ni DMW Sec. Ople, dadalhin sa DMW Office sa Mandaluyong ngayong araw

COC filing para sa mga kakandidato sa Barangay at SK Elections sa QC, umarangkada na sa Amoranto Sports Complex

Nagsimula na rin ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga tatakbo sa Barangay at SK Elections sa Quezon City ngayong araw. Pagpatak ng alas-8 ng umaga, isa-isa nang pinapasok sa Amoranto Sports Complex na itinalagang filing venue ang mga kakandidato, bitbit ang kanilang mga dokumento. May holding area sa labas kung saan sinusuri… Continue reading COC filing para sa mga kakandidato sa Barangay at SK Elections sa QC, umarangkada na sa Amoranto Sports Complex

License to Own and Posses Firearm ng driver na nanutok ng baril sa isang siklista, ni-revoke ng PNP Security Group

Tuluyan nang tinanggalan ng lisensya para magmay-ari at makapagdala ng armas ang driver sa viral video na nanakit at nanutok ng baril sa isang siklista sa Quezon City kamakailan. Ito ang kinumpirma ngayon ni Philippine National Police – Civil Security Group (PNP-CSG) Director, Police Brig. Gen. Benjamin Silo Jr. Ayon kay Silo, maliban sa License… Continue reading License to Own and Posses Firearm ng driver na nanutok ng baril sa isang siklista, ni-revoke ng PNP Security Group

Pres. Marcos Jr., nakikiisa sa lahat ng mga Pilipino ngayong pagdiriwang ng National Heroes Day

Kaisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng mga Pilipino sa para sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani ngayong araw. Sa mensahe ng Pangulo, sinabi nitong mahalagang bigyang pugay din at alalahanin ang aniya’y lesser known o mga unnamed Filipinos na may ginampanan ding mahalagang papel sa paghubog ng bansa at makamit ang kalayaan.… Continue reading Pres. Marcos Jr., nakikiisa sa lahat ng mga Pilipino ngayong pagdiriwang ng National Heroes Day

Lungsod ng Taguig, inumpisahan na ang pagtanggap ng COC ng mga kandidato sa BSKE

Dumadagsa na ang ilang mga groupo ng iba’t ibang barangay sa lungsod ng Taguig para sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) dito sa lungsod ng Taguig. Kabilang na rin dito ang napabilang na sampung embo barangays na nakatakda namang maghain ng COC sa lungsod ng taguig na… Continue reading Lungsod ng Taguig, inumpisahan na ang pagtanggap ng COC ng mga kandidato sa BSKE

One Town, One Product Law, papalakasin ang MSMEs export—mambabatas

Pinuri ni National Unity Party (NUP) President and Camarines Sur Rep.  LRay Villafuerte ang pagsasabatas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang “One Town, One Product”  (OTOP) Law. Bibigyan daan nito ang mas mahusay na pagbebenta ng produktong lokal sa international market. Sinabi ni Villafuerte, ‘complement’ ito sa pinakahuling direktiba ng pangulo  sa ilang government offices na… Continue reading One Town, One Product Law, papalakasin ang MSMEs export—mambabatas

Tamang implementasyon ng Garcia-Mandanas Ruling, unahin bago itulak ang pederalismo—mambabatas

Bukas si Albay Rep. Edcel Lagman sa pagtalakay sa pederalismo at charter change. Magkagayunman, naniniwala ang independent minority solon na hindi ito ang tamang panahon para isulong ang pederalismo. Matatandaan na sa isang talumpati, sinabi ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na kailangan ang pederlasimo upang mabigyang pagkakataon ang mga rehiyon sa bansa na umunlad.… Continue reading Tamang implementasyon ng Garcia-Mandanas Ruling, unahin bago itulak ang pederalismo—mambabatas

Mga tarpauline ng broadcaster na si Rex Cayanong, kusang tinanggal na ng kanyang supporters

Kasabay sa pagpapatupad ng election period ngayong araw, aligaga ang hanay ng Philippine National Police (PNP) at ang Commission on Elections (COMELEC) sa pagpapatupad ng checkpoints at Election Gun Ban sa buong bansa bilang pagtalima sa isinasaad ng Ombnibus Election Code. Ngayong araw din ang unang araw na itinakda upang maghain ng Certificate of Candidacy… Continue reading Mga tarpauline ng broadcaster na si Rex Cayanong, kusang tinanggal na ng kanyang supporters