Drayber na sangkot sa viral road rage, hindi ang rehistradong may-ari ng sasakyan—LTO

Tuloy ang show cause order ng Land Transportation Office (LTO) sa motorista sa viral road rage video na kitang nanakit at nagkasa pa ng baril sa isang siklista malapit sa Welcome Rotonda noong Agosto 8. Sa isang pahayag, sinabi ni LTO Chief Asec. Vigor Mendoza II na matapos ang kanilang inisyal na pagsisiyasat ay lumalabas… Continue reading Drayber na sangkot sa viral road rage, hindi ang rehistradong may-ari ng sasakyan—LTO

San Juan City Police, naglatag na ng kanilang checkpoint kasabay ng pagsisimula ng BSKE

Pinaigting na ng San Juan City Police ang kanilang pagbabantay sa mga pangunahing lansangan na nasa kanilang nasasakupan. Ito’y kasabay na rin ng pagsisimula ng paghahain ng kandidatura para sa Barangay at Sangguniang Kabataan o SK Elections sa Oktubre. Katulad na lamang sa bahagi ng Araneta Avenue kanto ng N. Domingo na nasa hangganan ng… Continue reading San Juan City Police, naglatag na ng kanilang checkpoint kasabay ng pagsisimula ng BSKE

Caloocan LGU, may libreng gupit para sa mga estudyanteng magbabalik-eskwela

Nag-aalok ng libreng gupit ang Caloocan City Government para sa mga estudyanteng magbabalik eskwela na bukas, August 29. Nagsimula ang free haircut program ng LGU noong weekend para sa mga estudyante sa elementary at secondary school level sa lungsod. Ayon kay Caloocan Mayor Along Malapitan, hangad ng ‘libreng gupit’ na mas ganahan ang mga estudyante… Continue reading Caloocan LGU, may libreng gupit para sa mga estudyanteng magbabalik-eskwela

Pilipinas, ASEAN economies, kailangan bantayan ang mga  hamon na kinahaharap ngayon ng World Economy — Finance Sec. Diokno

Habang patuloy na umaarangkada ang ASEAN economies bilang “engine of global economic growth” nagpaalala si Finance Secretary Benjamin Diokno na manatiling mapagbantay  sa iba’t ibang banta na kinahaharap ngayon ng world economy. Ito ang inihayag ni Diokno sa kanyang naging intervention sa ASEAN Finance Ministers and Central Bank Governors Meeting (AFMGM) sa Jakarta. Sinabi ng … Continue reading Pilipinas, ASEAN economies, kailangan bantayan ang mga  hamon na kinahaharap ngayon ng World Economy — Finance Sec. Diokno

Mga checkpoint sa ilang kalsada sa QC, nakalatag na sa pagsisimula ng election period

Naglatag na rin ang Quezon City Police District (QCPD) at ng ilang opisyal ng Commission on Elections (COMELEC) ng checkpoints sa pagsisimula ng Election Period at Gun Ban para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections. Sa pagsisimula ng election period, epektibo na rin kasi ang nationwide gun ban. Dito sa East Avenue corner Elliptical Road,… Continue reading Mga checkpoint sa ilang kalsada sa QC, nakalatag na sa pagsisimula ng election period

CAAP: Precationary measures ng mga paliparan sa Northern Luzon sa pananalasa ng bagyong Goring, nakalatag na

Nakalatag na ang precautionary measures ng mga paliparan sa Northern Luzon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) hinggil sa pananalasa ng bagyong Goring. Ayon sa CAAP Director General Captain Manuel Antonio Tamayo, handa na ang mga paliparan sa anumang pinsalang kakaharapin nito partikular sa mga paliparan ng Tuguegarao Airport, Basco Airport, Itbayat Airport,… Continue reading CAAP: Precationary measures ng mga paliparan sa Northern Luzon sa pananalasa ng bagyong Goring, nakalatag na

Higit 5,000 indibidwal sa Northern Luzon, apektado ng Bagyong Goring — DSWD

Mayroon nang inisyal na 1,719 pamilya o higit 5,500 indibidwal ang naitalang apektado ng pananalasa ng Super Typhoon Goring, batay yan sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response Operations Monitoring and Information Center. Ayon sa DSWD, aabot sa 78 barangay mula sa Regions I, Il, at Cordillera Administrative Region (CAR)… Continue reading Higit 5,000 indibidwal sa Northern Luzon, apektado ng Bagyong Goring — DSWD

Ilang nasunugan sa Vargas Lane, Visayas Ave., QC, kanya-kanyang linis at hanap ng mapapakinabangan pa

Nagsibalikan ngayong umaga ang ilang mga nasunugan sa residential area sa Vargas Lane sa Visayas Avenue, Quezon City para maglinis at magbaklas ng mga bakal, at yero na maaaring maibenta. Karamihan kasi ng mga nasunugan rito ang nasimot ang mga gamit at walang naisalba kaya nagtitiyaga ngayong magkalakal ng mga natirang gamit na pwede pang… Continue reading Ilang nasunugan sa Vargas Lane, Visayas Ave., QC, kanya-kanyang linis at hanap ng mapapakinabangan pa

QC Gov’t, umapela sa siklista sa viral road rage video na humarap sa imbestigasyon

Nanawagan ang Quezon City Government sa siklista sa viral video na hinampas sa ulo at kinasahan ng baril ng nakaalitang motorista na humarap din sa imbestigasyon. Sa isang pahayag, iginiit ng Quezon City Government na mariin din nitong kinokondena ang nangyari sa siklista na naganap sa may Welcome Rotonda, Quezon City noong August 8. Ayon… Continue reading QC Gov’t, umapela sa siklista sa viral road rage video na humarap sa imbestigasyon

Amyenda sa konstitusyon, kakailanganin para maisulong ang pederalismo

Welcome para kay House Committee on Constitutional Amendments Chairperson Rufus Rodriguez ang pagsusulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pederalismo. Sa oath taking ng bagong mga miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na sa pamamagitan ng pederalismo ay mabibigyang ng awtonomiya ang mga rehiyon na lumago at umunlad. Sinabi… Continue reading Amyenda sa konstitusyon, kakailanganin para maisulong ang pederalismo