41 pasahero, nasagip ng PCG matapos lumubog ang sinasakyang motor banca sa San Antonio, Northern Samar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang may 41 pasahero gayundin ang siyam na tripolante kabilang na ang kapitan nito, matapos lumubog ang kalahati ng sinasakyan nilang motor banca sa San Antonio, Northern Samar, kahapon.

Batay sa ulat ng PCG, umalis ang MBCA Spirit mula sa Victoria, Northern Samar patungo sana sa bayan ng San Vicente subalit dahil sa malakas na hampas ng alon ay nasira ang unahang bahagi nito.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Coast Guard gayundin ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at pulisya sa bayan ng San Antonio katuwang ang mga lokal na mangingisda.

Agad namang nailipat sa isa pang motor banca na MBCA Leanbe ang mga nasagip at dinala ang mga ito sa bayan ng San Vicente.

May apat ding kinailangang bigyan ng atensyong medikal hanggang sa dumating ang doktor at nasa ligtas nang kalagayan sa ngayon.

Samantala, nahatak na rin ang bahagyang lumubog na motor banca patungo sa bayan ng San Antonio. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: PCG

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us