5 milyong plastic cards para sa driver’s license, darating ngayong taon – LTO

Facebook
Twitter
LinkedIn

May 5 milyong plastic cards para sa driver’s license ang nakatakdang dumating sa loob ng taon na may paunang isang milyon para sa delivery sa loob ng dalawang buwan.

Tiniyak na ng Banner Plasticards, Inc., ang supplier ng plastic cards na maghahatid ito ng lingguhang supply na 500,000 bawat buwan.

Sinabi ni Land Transportation Office Chief Vigor Mendoza II, na
ang delivery ng 500,000 plastic card kada buwan ay sapat na upang matugunan ang kasalukuyang backlog na 900,000 card para sa driver’s license.

Inaasahan ng LTO Chief ang hindi bababa sa (5) limang milyong card sa loob ng taon.

Noong nakaraang Huwebes, tinanggap ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang initial delivery ng 5,000 plastic card mula sa Banner Plasticard, Inc. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us