Ad interim appointment ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., aprubado na ng Commission on Appointments

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lusot na sa Commission on Appointments (CA) ang pagiging full pledged four-star general ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr.

Unanimous ang boto ng mga mambabatas na miyembro ng CA sa pagkumpirma kay Brawner.

Sa naging committee hearing, kabilang sa mga natanong kay Brawner ang panig nito sa panukalang amyenda sa pension system ng mga military and uniformed personnel (MUP).

Ayon kay Brawner, handa naman ang mga sundalo na magsakripisyo ng bahagi ng kanilang sweldo para sa benepisyo ng bansa.

Ibinahagi rin nito ang mungkahi ni Defense Secretary Gilbert Teodoro, na ilagay sa trust fund ang assets ng Armed Forces of the Philippines (AFP), para mahugutan ng pondo para sa pensyon ng mga retiradong sundalo.

Sinabi rin ng AFP Chief of Staff, na tinigil na ngayon ang pagpapadala ng mga military personnel para mag aral sa china.

Nag-commit rin si Brawner para sa patuloy na modernisasyon ng sandatahang lakas, at pagbabantay sa teritoryo ng Pilipinas.

Si Brawner ay naitalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang AFP Chief of Staff, nitong Hulyo.

Kasama ring naaprubahan ng CA ngayong araw ang ad interim appointment ng 29 officer at senior officers ng AFP. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us