Abot na sa P200 milyong pondo ang inilaan ng Department of Agriculture-Agricultural Credit Policy Council para sa mga magsasaka at mangingisda na sinalanta ni bagyong Egay.
Sa ilalim ng Survival and Recovery (SURE) Loan Program, maaring maka-avail ng pautang ang mga benepisyaryo ng hanggang P25,000. Babayaran nila ito sa loob ng tatlong taon ng walang interes.
Bukod dito, may inilaan ding P500 milyon ang DA mula sa Quick Response Fund para naman sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.
Pagtiyak pa ng kagawaran na may iba pa silang interbensyon na inihanda para sa mga magsasaka at mangingisda upang makabawi sa pinsala ng kalamidad.
Base sa tala, nasa 123,274 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ni bagyong Egay at 147,063 ektarya ng agricultural areas ang nasalanta sa walong rehiyon sa bansa. | ulat ni Rey Ferrer