Alkalde ng Taguig City, namahagi ng school supplies sa mga mag-aaral ng Pitogo Elem. School at High School

Facebook
Twitter
LinkedIn

Namahagi ang Taguig City government ng school supplies at hygiene kits sa Pitogo High School at Elementary School ngayong umaga.

Personal na ibinahagi ni Taguig City Mayor Lani Cayetano sa mga mag-aaral ng Pitogo Elementary at High School ang mga school supplies at hygiene kits na handog ng lokal na pamahalaan.

Aniya, ito’y bilang pagpapakita na ginagawa ng lokal na pamahalaan ang lahat ng kanilang makakaya upang maibigay ang pangangailangan ng mga mag-aaral sa kanilang lungsod.

Kabilang din sa kanilang ipapamahagi ang mga school uniform, P.E uniforms, school shoes at athletic shoes sa mga mag-aaral ng nasabing paaralan. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us