Nangako si Taguig City Mayor Lani Cayetano sa mga magulang at mag-aaral ng Embo barangays na gagawin nito ang kanyang makakaya upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa kanilang lugar.
Sa kanyang naging talumpati sa Makati City National High School sa pag-uumpisa ng brigada eskwela sinabi nito ang kanyang pangako na makikipag-unayan siya sa Department of Education para sa pangailangan ng mga mag-aaral.
Samantala, bukod sa school kits na ipapamahagi ng Taguig City ay kabilang din ang school uniforms sa ibibigay ng lokal na pamahalaan ngunit kanilang aalimin pa ang sukat ng mga uniporme ng bawat mag aaral. | ulat ni AJ Ignacio